Dear Dr. Love,
Kumusta na po ang paborito kong love adÂviserÂ? Sana’y nasa mabuti kayong kalusugan sa pagtanggap ng sulat ko.
Tawagin mo na lang akong Sally, 30-anyos at may asawa. Mabuting mister ang asawa ko at maligaya ako sa piling niya.
May dalawa kaming anak na pareho nang nag-aaral sa elementary bagama’t naninirahan lang kami sa isang apartment.
Pero may naririnig ako mula sa ibang tao tungkol sa kanya, na mayroon daw siyang ibang babae sa buhay.
Ayoko namang mag-usisa dahil buo ang tiwala ko sa kanya at baka magalit siya. May mga pagkakataong nade-delay siya ng uwi pero hindi madalas. Siguro minsan sa isang buwan at hindi naman talaga inaabot ng magdamag. At kung ma-delay man siya ay dahil may mahalaÂgang tinatapos sa opisina.
Pero kahit tsismis ay nababalisa ako. Ano ang dapat kong gawin?
Sally
Dear Sally,
Ikaw ang nagsabi na buo ang tiwala mo sa asawa mo dahil uliran siya at maayos ang inyong kabuhayan.
May kasabihang ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Ikaw ang higit na dapat makakilala sa asawa mo.
Kung umuuwi siya sa takdang oras at nag-iintrega ng buong suweldo, ano ang basehan mo para maniwalang may iba siyang babae?
Kapag nakapansin ka na ng mga indikasÂyong nangangaliwa siya, doon ka mabalisa at mag-usisa.
Dr. Love