^

Dr. Love

Kasal-kasalan lang ang gusto

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang bahagi sa aking buhay ang hindi ko aka­lain na malalampasan ko makaraang ma­nindigan sa aking pasya.

Nabuntis po ako ng noon ay boyfriend ko na si Cirilo. Naging komplikado po ang lahat dahil ayaw niya akong panagutan at hindi po ito matanggap ng aking pamilya, lalo ng aking ama na nang mga panahon na iyon ay kumakan­didato bilang mayor sa aming lugar.

Nalaman ko na isang kamag-anak ang tumunton sa lugar nila Cirilo at binantaan itong gagawing baldado kapag tinakbuhan ang obligasyon sa amin ng magiging anak niya.

Hindi raw po papayagan ng aking pamilya na malagay sa imoralidad ang sino man sa amin, dahil maaari itong gamitin ng kalaban sa pulitika ng aking ama.

Kinausap po ako ni Cirilo at sinabing papa­yag siyang magpakasal sa akin, sa kondisyon na pagkatapos ng isang taon at makalipas ang elek­siyon ay pawawalang bisa namin ito. Agad kong tinutulan ang bagay na ito, Dr. Love. Dahil ma­matamisin ko pa na itakwil ako ng aking pamilya kaysa pakasal sa lalaking walang paninindigan.

Nagpasya akong lumayo para hindi maka­sagabal sa ambisyong pulitikal ng aking ama.Kapwa kami nawala ni Cirilo sa aming komunidad at ipinalagay ng marami na nakasal kaming dalawa. Tanging ang aking ina lang ang nakakaalam ng katotohanan at kung saan ako naninirahan ngayon.

Sa ngayon po Dr. Love, alam kong hindi ako nagkamali sa aking desisyon. Kahit ako ay single­ parent, hindi naman kulang sa pagma­mahal ang aking anak dahil marami akong mga kaibigan na boluntaryong tumutulong para ako ay makapagbagong buhay. Sa tulong ng ipinadadalang sustento sa akin ng aking ina, naipagpatuloy ko ang pag-aaral at isa na ako ngayong certified public accountant.

Isang mahalagang leksiyon ang natutunan ko at titiyakin ko po na hindi na ito mauulit sakaling may bagong pag-ibig na dumating sa buhay ko.

Maraming salamat po at God bless.

Gumagalang,

Daisy

Dear Daisy,

Hinahangaan ko ang paninindigan mo na tang­ gihan ang kasal-kasal na mungkahi ng dati mong boyfriend. Nakakatuwa rin na natutunan mo ang mahalagang leksiyon na hinatid ng karanasan mo. Sana hindi ito mawaglit sa iyo at maging maligaya ka sa mga darating pang araw kasama ang iyong munting anghel. God bless you.

Dr. Love

AKING

AKO

CIRILO

DAHIL

DEAR DAISY

DR. LOVE

ISANG

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with