Ayaw ng anak

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Badong. Biyudo na ako sa nakalipas na dalawang taon at ang trabaho ko ay junkshop.

Malakas naman ang kita sa junkshop at nakukuha kong pag-aralin ang kaisa-isa kong anak na lalaki na magtatapos na ng accountancy.

Mahal na mahal ko ang anak ko at ganun din siya sa akin. Pero ang sabi niya ayaw niya akong mag-asawang muli.

Pero lingid sa kanya, may girlfriend ako na sa katunayan ay nagyayaya nang magpa­kasal.

Paano akong magpapaalam sa anak ko nang hindi siya magagalit?

Badong

Dear Badong,

Magalit o hindi ang anak mo ay karapatan mong lumigaya. Ang mahalaga ay mata­tapos na siya sa kanyang pag-aaral.

Kaunting tiis lang marahil at hintayin mong makatapos para hindi makaapekto sa kanyang pag-aaral.

Naniniwala ako na magdaramdam man siya ay iiral din ang unawa niya at kikila­lanin ang sakripisyong ginawa mo para sa kanya.

Dr. Love

Show comments