^

Bansa

Connectivity bill pinarerepaso ng telco group

Philstar.com

MANILA, Philippines — Nananawagan ang Philippine Chamber of Telecommunications Operators (PCTO), na binubuo ng mga nangungunang telcos sa bansa, para sa agarang atensiyon sa mga hindi pa naresolbang panganib sa Konektadong Pinoy Act, na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at naghihintay na pirmahan ng Pangulo.

Bagama’t sinusuportahan ng PCTO ang layunin ng panukala na palawakin ang akses sa internet sa buong bansa, nagbaba ang grupo na ang bersyong ipinasa ng bicameral committee ay maaaring magdulot ng panganib sa pambansang seguridad, pababain ang antas ng regulasyon, at magdulot ng hindi pagkakaayos sa sektor ng telekomunikasyon sa hinaharap.

“We support providing broader connectivity to all Filipinos. However, the bill lowers the bar for accountability and opens the country to risks tied to unregulated infrastructure and potential foreign control,” sabi ni Atty. Froilan Castelo, PCTO president and Globe general counsel.

Sa ilalim ng panukala, ang mga bagong data transmission players ay hindi na kailangang kumuha ng legislative franchise o Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) — isang hakbang na nag-alis ng mahahalagang filter na ginagamit noon upang suriin ang legal, financial, technical at cybersecurity readiness.

“This creates a two-tier system. Existing players remain subject to full regulation, while new entrants operate with fewer checks. That’s a national security concern and a fairness issue,” ani Castelo.

Nagpahayag din ang PCTO ng alalahanin tungkol sa exemption ng batas sa satellite direct access services mula sa anumang uri ng registration o pahintulot mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) o National Telecommunications Commission (NTC). Ito ay taliwas sa sariling prinsipyo ng technology neutrality na nakasaad sa Seksyon 19 ng batas.

“You cannot claim to be technology-neutral and at the same time give one technology a free pass. The provision requiring satellite services to apply for NTC spectrum use was removed in the final version. That opens a dangerous backdoor,” babala ni Castelo.

Sa usapin naman ng cybersecurity, pinuna ng grupo na pinapayagan ng batas ang mga bagong player ng two-year window upang makasunod sa national at international security standards.

Naniniwala ang PCTO na ang pagkakaantala na ito ay hindi katanggap-tanggap sa panahon ngayon na tumitindi ang banta sa cyber.

Ang isa pang kakulangan sa batas ay ang kawalan ng anumang requirement na kailangang maglingkod ang mga bagong player sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs). Ito ay maaaring maghikayat sa mga bagong player na magpokus lamang sa mga high-density urban area, at iiwan ang mga rural na komunidad.

Binanggit din ng PCTO ang panganib ng pagmamadali sa pagpasa ng batas nang walang mas malalim na pagsusuri sa mga stakeholder, tinukoy ang POGO law bilang isang halimbawa ng may mabuting hangarin subalit hindi maayos na naisakatuparan ang polisiya.

“We’ve seen what happens when laws are rushed and under-vetted. We cannot afford another case where gaps in the law create bigger problems down the road,” pagbibigay-diin ni Castelo.

CONNECTIVITY

TELCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with