Mensahe sa Bagong Taon: Matuto sa mga karanasan – Pangulong Marcos

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at the Malacañang on December 3, 2024.
STAR/ Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Dapat magsilbing gabay ang mga karanasan at hamon ng bansa sa mga nakaraang buwan patungo sa mas maginhawang 2025.

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong Bagong Taon.

Sinabi ng Pangulo na puno ng malalaking hamon ang mga nakaraang buwan dahil sa mga kalamidad na nagdulot ng pagkaabala sa buhay at mga komunidad.

“Reflecting on the resilience we have shown in overcoming them, it is crucial for our progress to esteem such moments as hallmarks of the extraordinary strength we gain through solidarity and perseverance,’’ ayon pa kay Marcos.

Pahayag pa ni Pangulong Marcos, habang tayo ay sumusulong patungo sa 2025 dapat tumingin sa hinaharap nang may muling pag-asa at positibong pananaw, dahil sa ating mga karanasan na magsisilbing gabay para bumuo ng isang kinabukasang puno ng pangako at layunin.

Sinabi ni Marcos na ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay malawakang itinuturing na “isang pagkakataon upang matuto mula sa mga aral ng nakaraan at gamitin ang karunungang natamo upang mapabuti ang sarili.”

“’LIt is our desire for our citizens to embrace this outlook and adopt an introspective and growth-focused mindset that balances the realities of yesterday and the promises of tomorrow,’’ pahayag pa ni Pangulong Marcos.

Show comments