Banta sa buhay ni VP Sara, imbento – solon
Tulad ng Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin…
MANILA, Philippines — Walang ipinagkaiba sa Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin na pawang mga inimbentong recipients ng confidential funds ay peke rin umano ang pinagsasabi ni Vice President Sara Duterte na maging siya ay target rin ng assassination plot.
Ito ang sinabi ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre base sa naging assessment at pahayag nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla at Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo na kapwa iginiit na walang banta sa buhay ni VP Sara.
“The supposed assassination threats against Vice President Duterte are fake—completely unfounded and baseless. They are as fabricated as the names ‘Mary Grace Piattos’ and ‘Kokoy Villamin,’ which were used to justify the alleged misuse of confidential funds,” ani Acidre.
Sinabi ni Acidre na kung may banta man ay tanging kay VP Sara Duterte mismo ito nanggaling sa pahayag nito na nag-hire na siya ng tao upang itumba sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari umano sa kaniya.
Lumilitaw sa opisyal na rekord ng Philippine Statistics Authority (PSA) na wala sa birth, marriage at maging death records ng kanilang tanggapan ang Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin na inilagay sa acknowledgement receipts na isinumite ng Office of the Vice President at DepEd sa COA sa ginastos na P612.5 milyong confidential funds.
“Mary Grace Piattos,” a name that coincidentally combines a popular restaurant and a snack brand, and “Kokoy Villamin,” whose receipt signatures displayed inconsistent handwriting, have come to symbolize alleged misuse of public funds,” sabi pa ni Acidre.
- Latest