MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga batikos at patutsada ng isang grupo, patuloy naman si House Speaker Martin Romualdez sa pagtaguyod sa Kongreso para madaliin ang pagpasa ng mga mahahalagang batas at priority bills lalo na ang 2025 national budget.
Sa isang panayam, sinabi ni Speaker Romualdez na sa halip patulan ang mga tirada sa kanya at mga kasamahan, mas nanaisin na lang daw niya ang “magfocus sa mga mahahalagang bagay”.
Aniya, “maraming problema ang bansa na kailangang pagtuunan ng pansin gaya ng mataas na presyo ng bilihin at kalusugan lalo na ng mga mahihirap na mga kababayan natin”.
Ayon pa sa lider ng kongreso, “unti-unti na nating natutuklasan sa pamamagitan ng hearing ng quintacom na may mga cartel at nagmomonopolya ng presyo ng bigas at iba pang pagkain”.
“Once we get their names, kakasuhan natin para magsilbing babala sa iba. Hopefully, bababa ng pagkain”, ayon kay Speaker Romualdez.
Dagdag pa ni Romualdez, “pinu-push namin sa kanila na sagutin ang 30 percent ng bill ng mga pasyente sa lahat na ng uri ng karamdaman”.
Isama pa raw ang isyu sa West Philippine Sea na kailangang pag-aralan ng mabuti kung papaano pahupain ang tensyon doon, dagdag pa ni Romualdez.