Kabuhayan hatid mula sa plastik na basura at fly-ash

MANILA, Philippines — Matagumpay na nakapagtayo ng kabuhayan mula sa plastik na basura at fly-ash byproducts ang Toledo’s United Farmers, Fishermen, and Women Workers (TUFFWOW).

Ang proyektong ito, na unang inilunsad bilang Project BRICK o Building Resilient Infrastructure and Communities, ay lumago upang maging isang ganap na EcoBrick Hub noong 2022 sa pakikipagtulungan ng Therma Visayas Inc. (TVI), isang subsidiary ng Aboitiz Power Corporation (AboitizPower).

Sa tulong ng teknikal na partner na Green Antz Builders, Inc., na nagbigay ng eco-brick model at pagsasanay para sa TUFFWOW, nagdala ang TVI at AboitizPower ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan sa komunidad. Ang EcoBrick Hub ay gumagamit ng coal ash byproducts mula sa planta ng kuryente at plastik na basura mula sa komunidad para makagawa ng mga bricks at pavers.

Upang mapabilis ang pagkolekta ng plastik, inilunsad ng TVI ang kampanyang “Basura Mo, Bigas Ko,” kung saan maaaring ipagpalit ng mga residente ang dalawang kilo ng plastik na basura para sa bawat kilo ng bigas.

“Ito ang aming kabuhayan, gumagawa kami ng mga ecobrick at hollow block na may halong plastik at iba pang materyales. Dahil dito, nagkaroon kami ng sustainable na kita. Sa ngayon, meron kaming inventory na higit 7,000 ecobricks. Malaking tulong talaga ang TVI dahil wala kaming kakayahan na makabili ng kagamitan para dito,” ayon kay Manny Ducor, TUFFWOW Liaison Officer.

Show comments