Pamilya ng mga drug war victims: Duterte dapat managot

Former President Rodrigo Duterte attends the Senate hearing into his war on drugs campaign on Oct. 28, 2024.

MANILA, Philippines — Nagtipon ang pamilya ng mga biktima ng madugong “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo ­Duterte nitong Linggo upang gunitain ang ika-walong ­anibersaryo nang pag ala-ala sa kanilang mga namatay na kamag-anak.

Ginawa ang pagtitipon sa Siena College Chapel kung saan nanawagan sila na dapat managot si Duterte ang iba pang sangkot sa pagkamatay ng libo-libong biktima.

Ayon sa opisyal na tala ng gobyerno, nasa 6,181 katao ang pinaslang sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Duterte.

Pero may mga grupong nagsasabi na aabot sa 20,000 ang mga namatay.

Nauna rito, inako ni Duterte ang buong responsibilidad sa kinahinatnan ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Inamin din ni Duterte na inutusan niya ang pulisya na hikayatin ang mga drug suspect na manlaban na kadalasang humahantong sa kanilang kamatayan.

Sinabi rin ni Duterte na hindi siya hihingi ng tawad o magbibigay ng “excuses” sa kinahinatnan ng kampanya dahil ginawa niya ang dapat gawin.

“Don’t question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do,” matatandaang sabi ni Duterte.

Show comments