^

Bansa

Bong Go: Prinsipyo ni Duterte na protektahan inosenteng buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na ang prinsipyong itinataguyod ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa kriminalidad— ay protektahan ang mga inosenteng buhay at tiyaking naipatutupad ang batas sa loob ng mga hanggahan nito.

Muling iginiit ni Go na bagama’t kilala ang administrasyong Duterte sa matigas nitong paninindigan laban sa krimen, partikular sa kalakalan ng droga, malinaw ang mga direktiba ng dating Pangulo na hindi dapat mapahamak ang mga inosenteng buhay at dapat kumilos nang responsable ang mga alagad ng batas.

“Sabi nga ni Pangulong Duterte noon, wala siyang inutos pumatay ng inosente. Galit siya at gusto niyang tugisin ang mga ninja cops, ang mga abusadong pulis na naghahasik ng lagim sa droga, pumapatay, at kasabwat ng sindikato,” sabi ni Go na tumutukoy sa pagnanais ni Duterte na mawalis ang katiwalian sa loob ng puwersa ng pulisya.

Ipinunto ng senador na sa kabila ng pagdoble ng suweldo ng mga pulis sa mga unang taon ng termino ni Duterte para itaas ang integridad ng PNP, may mangilan-ngilan pa rin na gumagawa ng kriminal na aktibidad at ito aniya ay nagpadismaya sa dating presidente Duterte.

Tinukoy din ni Go ang imbestigasyon ng Senado noong 2019 na tumalakay sa “ninja cops”—mga pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidad—ay nagbibigay-diin sa malinaw na paninindigan ni Duterte sa accountability.

SENATOR CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with