Undas 2024 ‘generally peaceful’ — PNP

Hundreds of people flock to Manila North Cemetery to honor and remember their loved ones during All Saints' Day on Friday, November 1, 2024.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tulad ng kanilang layunin, “generally peaceful” ang paggunita ng Undas sa buong bansa.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, walang naitalang untoward incident sa mga sementeryo, columbaria, memorial parks at iba pang katulad na lugar sa pagdalaw ng mga Pilipino sa mga pumanaw na mahal sa buhay.

“So far, the situation is generally peaceful as no untoward incident [is] recorded,” ani Fajardo.

Matatandaan na dinagdagan ng PNP ang deployment ng pulis dalawang araw bago ang Undas upang matiyak ang seguridad at kaayusan ngayong long weekend.

Dagdag pa ni Fajardo, malaking tulong ang koordinasyon ng PNP sa mga local government units upang maayos at payapang gunitain ang Undas.

Mananatiling naka­alerto ang PNP sa inaasahang dagsa ng mga biyahero na magbabalik Maynila  mula sa long weekend.

Sa Metro Manila, ipinagmalaki rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Sidney Hernia na ‘generally peaceful’ ang pagdaraos ng Undas 2024 sa kabuuan sa Metro Manila.

Tagumpay aniya ang mga inilatag na paghahanda sa deployment ng mga pulis sa mga sementeryo, columbaria, transport terminals, at pangunahing convergence areas sa buong Metro Manila.

Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa mga local government units, non governmental organizations (NGOs), volunteer groups, at force multipliers na nag-ambag ng kanilang napakahalagang suporta para sa maayos at mapayapang kaganapan.

Sa pagtaas ng presensya ng mga pulis, mahusay na ipinatupad ng NCRPO ang mga protocol sa seguridad at kinumpirma na walang naitalang malalaking insidente.

Apela niya sa publiko, ipagpatuloy ang pakikiisa at pakikipagtulu­ngan sa mga awtoridad sa nalalapit na kapaskuhan na pinaghahandaan na rin ng NCRPO ang security plans.

Show comments