^

Bansa

House Quad Committee, isusulong hustisya sa EJK victims

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaalinsabay ng paggunita sa All Souls Day sa bansa, nanindigan ang House Quad Committee na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings sa madugong giyera kontra droga ng nakalipas na Duterte administration.

“As we remember our departed loved ones on All Souls’ Day, we are reminded of the countless Filipino families who grieve the loss of loved ones taken too soon. Our commitment to justice is unwavering,” paha­yag ni Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chair ng Quad Comm at chairman ng House Committee on Public Order and Safety.

“Our task is to ensure that these stories are neither silenced nor forgotten,” giit ni Fernandez.

Batay sa data ng gobyerno, mahigit 6,000 ang namatay sa operasyon ng mga pulis mula 2016 hanggang 2021 pero malayo ito sa mahigit 27,000 hanggang 30,000 mga kaso ng EJK, ayon sa mga human rights advocates at organization.

Sa pagdinig ng Quad Comm, kinumpirma ni retired P/Col. Royina Garma na mayroong natatanggap na reward ang mga pulis sa mga napapatay nilang drug suspect na nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P1 milyon. Kinumpirma rin nito ang Davao Death Squad, isang organisasyon na nasa likod umano ng mga pagpatay sa mga drug suspect na nag-operate noong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang alkalde ng lungsod.

Sa testimonya naman ni dating Sen. Leila de Lima, ang reward system sa Davao City ay ipinatupad ni Duterte sa buong bansa noong ito ay naging Pangulo. Ito umano ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at EJKs.

“This is about more than just accountability — it is about restoring faith in our institutions and ensuring that no Filipino, regardless of their social or economic status, is ever denied justice,” dagdag pa ni Fernandez.

vuukle comment

JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with