MANILA, Philippines — Bumulusok o nakitaan ng malaking pagbaba ang trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte sa latest survey na isinagawa ng OCTA Research noong nakaraang buwan.
Base sa resulta ng non-commissioned survey na inilabas ng OCTA Research kahapon, ang trust ratings ni Duterte ay bumaba ng 6% o mula sa 65% ay naging 59%.
Ayon sa OCTA, “This significant drop raises concerns, particularly as her distrust rating now stands at 14%, with 27% of respondents undecided. This downward trajectory in trust ratings is stark compared to March 2023, when she enjoyed an impressive trust level of 87%.”
Malaki rin ang ibinaba ng performance rating ng bise presidente mula sa 60% ay naging 52% na lamang.
Nabatid na 15% ng mga respondents ang dissatisfied sa kanyang performance habang 33% ang nananatili pa ring undecided, na ayon sa OCTA, ay posibleng nagpapakita ng lumalaking ‘uncertainty’ sa mga electorate.
“It is crucial to highlight that Vice President Duterte-Carpio’s ratings have steadily decreased for over two straight quarters in 2024,” anang research.
Samantala, bumaba rin ang trust ratings ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngunit nananatiling mataas pa rin ito sa 69%, o 2% pagbaba mula sa 71%.
Anang OCTA, ang pagbaba ay pasok sa margin of error kaya’t ang trust ratings ng Pangulo ay nananatiling ‘statistically unchanged’ simula ikalawang quarter.
Dalawang puntos din ang ibinaba ng kanyang performance mula sa 68% ay naging 66%.
Ang OCTA survey ay isinagawa mula Setyembre 4 - 7, 2024, gamit ang face-to-face interviews sa may 1,200 adults sa buong bansa.