MANILA, Philippines — Pumalo na sa 116 katao ang nasawi habang tumaas na rin sa mahigit 6 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Kristine.
Sa report ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ariel Nepomuceno, sa 116 naiulat na namatay sa bagyong Kristine karamihan dito ay mula sa Bicol Region at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).
Nasa 39 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Tumaas na rin sa 6,717,755 katao ang mga naapektuhan ng bagyo sa 17 rehiyon.
Sa nasabing bilang ay 980,355 ang nanatili pa sa mga evacuation centers.
Lumobo naman sa 160 lungsod at munisipalidad ang isinailalim sa state of calamity habang naitala sa P1,540,867,176.63 ang pinsala sa agrikultura kabilang ang mga kalsada, tulay, flood control facilities ng gobyerno, eskuwelahan, health facilities at iba pa.
Ang pinsala sa agrikultura ay nairekod naman sa P2,511,311, 710.94 na nakaapekto sa 58,500 magsasaka at mangingisda habang 51,942 hektarya naman ng mga pananim ang nasalanta.