38 lugar tinukoy na ‘hotspot’ sa 2025 elections

Workers install tarpaulins at the Commission on Elections-National Capital Region (Comelec-NCR) office in San Juan City on Monday as they prepare for the arrival of city representative aspirants who will file their certificate of candidacy on October 1, the first day of COC filing.

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 38 na lugar sa bansa ang itinuturing ng Department of Interior and Local Government (DILG) na election hotspots.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary na sa naturang bilang, 27 ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay Remulla, mainit ang labanan sa pulitika sa 38 na lugar para sa May 2025 elections.

Idinagdag pa ng kalihim na isa rin sa mga hotspot ang Albuera na nasa ikatlong Distrito ng Leyte.

Matatandaang Nobyembre 2016 napatay ang mayor ng Albuera na si Rolando Espinosa dahil sa umano’y pagkakadawit sa operasyon ng illegal na droga.

Kandidato naman sa pagka-mayor ngayong eleksyon ang anak nitong si self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na una nang nakulong dahil sa illegal na droga.

Makakalaban ni Espinosa si incumbent ­Mayor Sixto dela Victoria.

Show comments