Pangulong Marcos nginitian lang birada ni VP Sara

MANILA, Philippines — Tinawanan lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga birada ni Vice President Sara Duterte na hindi ito marunong maging presidente ng Pilipinas.

Ipinagkibit balikat lamang ng Pangulo ang akusasyon ni Duterte nang tanungin ng mga mamahayag sa ika-123 na anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG)  sa Manila.

Nagbanta rin si Duterte na ipahuhukay niya ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ipatatapon sa West Philippine Sea.

Maging si First Lady Liza Marcos ay tumanggi na rin na magkomento sa mga pahayag ni Duterte.

Dumalo si First Lady Marcos sa anibersaryo ng PCG bilang isa sa mga reservist.

Show comments