^

Bansa

Romualdez ibinida pag-unlad ng Pinas sa pamumuno ni Pangulong Marcos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinida ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa international community ang mga nakamit na pagbabago ng Pilipinas sa larangan ng siyensya, teknolohiya at inobasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kaniyang pagharap sa ika-149 Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly sa Geneva, Switzerland nitong Lunes, inihayag ni Romualdez ang pagtutulungan ng Pangulo at Kongreso sa pagsusulong ng siyensya, teknolohiya at inobasyon para sa pagpapa-unlad ng bansa.

Bilang bahagi ng legislative priority ni Pangulong Marcos, binuo aniya ang National Innovation Council para masiguro na ang inobasyon ay nakapaloob sa mga prayoridad na hakbangin ng bansa para sa pagkamit ng sosyo-ekonomikong pag-unlad.

Ang konseho na pinamumunuan ng Pangulo ay mayroong susunding National Innovation Agenda and Strategy Document.

Nilalaman nito ang mga hangarin para sa pangma­tagalang mithiin ng Pilipinas pagdating sa inobasyon at ang road map ng mga istratehiya sa kung paano pagbutihin ang innovation governance, pagpapalalim at pagpapabilis sa inobasyon at pagsasama ng ­public-private partnerships para masigurong walang Pilipino ang maiiwan.

Sabi ni Romualdez ang mga inisyatibang ipinatupad ay nagbunga ng mga resulta para sa bansa.

MARTIN G. ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with