BI: Misis ni Harry Roque, umeskapo na ng bansa

Former presidential spokesperson Harry Roque and his wife Mylah Roque.

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na rin ng bansa si Mylah Roque, ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sa isang public briefing, sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na Setyembre 3 pa nang umalis ng Pilipinas ang ginang.

Naisyuhan naman aniya ito ng lookout bulletin noong Setyembre 16.

“Ms. Mylah Roque has been out of the country since September 3. Her lookout bulletin was issued on September 16,” ani Sandoval.

Matatandaang si Mrs. Roque at na-cite in contempt at malaunan ay ipinaaaresto na ng Quad Committee ng House of Representatives, bunsod ng kabiguang tugunin ang ipinadalang subpoena sa kanya ng panel.

Show comments