^

Bansa

Solon humirit sa US ng warship para sa Pinas, idedeploy sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng patuloy na pagiging agresibo ng China, umapela na si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Estados Unidos na idinonasyon na lamang sa Pilipinas ang USS warship nito na nakatakda ng ide-activate sa 2025 para ideploy sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ang apela ay ipinadala ng solon sa pamamagitan ng isang liham kay US State Secretary Anthony Blinken, Defense Secretary Lloyd James Austin at US Ambassador to Manila MaryKay Carlson.

Sinabi ni Rodriguez na kung ang USS Philippine Sea  na ire-refurbish na ng Estados Unidos ay idodonasyon sa Pilipinas ay magagamit ito ng gobyerno para makatulong sa Phi­lippine Navy at Philippine Coast Guard sa pagpapatrulya sa buong archipelago ng bansa kabilang ang WPS.

Ang US warship ay isang Flight II Ticonderoga-class guided missile cruiser na sa kasalukuyan ay aktibo pang nagse-serbisyo sa US Navy.

Sa kaniyang liham sa tatlong US officials, sinabi ni Rodriguez na kung pagbibigyan ng mga ito ang kaniyang kahilingan ay tatawagin ang warship bilang USS Philippine Sea na ipinagalanan sa digmaan sa Philippine Sea noong panahon ng World War II.

Nabatid na ang nasabing USS warship ay nakumpleto na ang mga deployment bilang bahagi ng Operation Enduring Freedom, ang opisyal na pangalan na ginamit ng US government sa pandaigdigang kampanya kontra terorismo mula 2001 hanggang 2014. Samantalang idineploy rin ito sa silangang bahagi ng Mediterranean  bilang tugon sa giyera ng Israel laban sa Hamas at  engkuwentro ng US sa Houthis rebel doon.

Inihayag pa ni Rodriguez na ang USS Philippine Sea ay sumagip sa 26 Filipino crew members sa Marshall Islands-owned, Liberian-flagged supertanker Brillante Virtuoso matapos na umapoy ang nasabing barko sanhi ng pag-atake ng mga pirate gamit ang rocket-propelled grenades  sa katimugang kanluran ng Aden sa Yemen.

“With its historical background and its name being apropos and relevant to the current issue on our West Philippine Sea sove­reign rights being illegally challenged by China, may I request that the USS Philippine Sea be donated to the Philippines,” giit pa ng Mindanao solon sa kaniyang liham sa tatlong US official.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with