^

Bansa

Bong Go: Drug lords, lumakas sa drug war probe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Huwag nating sayangin ang magandang nasimulan ni dating Pangulong Duterte laban sa iligal na droga!”

Ito pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go na nagsabi pang nakaalarma ang paglakas uli ng loob ng mga drug lord at iba pang elementong kriminal dahil ang mga imbestigasyon sa giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay-daan para sa kanila na baluktutin ang katotohanan at pahinain ang anti-drugs campaign na nagpabuti sa sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa isang ambush interview, binigyang-diin ni Go ang mga panganib ng muling pagsigla ng kalakalan ng iligal na droga at hinimok ang publiko na pag-isipan ang kaligtasan at seguridad na kanilang naranasan sa panahon ng pagkapangulo ni Duterte.

“Lumalakas ang loob ng mga drug lord. Kung bumalik ang iligal na droga, babalik po ang korapsyon sa gobyerno, babalik po ang kriminalidad,” ani Go.

Hinimok niya ang sambayanang Pilipino na sila ang humusga kung bumuti ang kanilang buhay sa panunungkulan ni Duterte, lalo pagdating sa kaayusan ng publiko.

Anang senador, ang pagbabalik ng iligal na droga ay makasasama sa kaligtasan ng publiko, partikular sa pamilya ng mga OFWs.

Binigyang-diin din ni Go ang katotohanan na ang pamumuno ni Duterte sa kampanya laban sa droga ay hindi lamang nagdulot ng tangible benefits, bagkus ay nakuha rin ang tiwala at pagsang-ayon ng publiko sa kabuuan ng kanyang termino.

Sa kabila nito, hindi naitago ni Go ang kanyang pagkadismaya kung paano tinalikuran ng ilang mga dating kabalikat si Duterte.

Nauna nang itinanggi ni Go na nagpatupad si Duterte ng tinatawag na “reward system” sa giyera kontra droga. Tinawag niya ang alegasyon na walang basehan.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with