^

Bansa

‘Julian’ lalo pang lumakas, itinaas sa ‘typhoon category’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
âJulianâ lalo pang lumakas, itinaas sa âtyphoon categoryâ
Sa 2 p.m. bulletin ng PAGASA, ang sentro ng mata ng Typhoon Julian (international name: Krathon) ay huling namataan 275 km east ng Calayan, Cagayan.
PAGASA

MANILA, Philippines — Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa northeastern portion ng Babuyan Islands habang lumakas pa si “Julian” na isa na ngayong bagyo.

Sa 2 p.m. bulletin ng PAGASA, ang sentro ng mata ng Typhoon Julian (international name: Krathon) ay huling namataan 275 km east ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 km per hour at bugso na aabot sa 135 kph. Kumikilos ang bagyo pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, nakataas ang TCWS No. 2 sa Batanes, mainland Caga­yan, nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, Apayao, at northern at central portions ng Ilocos Norte.

TCWS No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern portion ng La Union, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, northern at central portions ng Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at northern at central portions ng Aurora.

Babala naman ng PAGASA na ang pinakamataas na tropical cyclone wind signal dahil kay ‘Julian’ ay maaaring umabot sa Signal No. 4 at hindi rin isinasantabi ang posibilidad na umabot ito sa kategoryang super typhoon.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with