Bong Go sa mga guro: Tunay na bayani, gabay ng kabataan

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga guro na tunay na ba­yani at gabay ng kabataan bilang tagapagturo at tagahulma ng mga magiging pinuno ng bansa.

Ginawa ni Go ang pahayag sa pagpapakita niya ng suporta sa mga magiging guro nang personal niyang daluhan ang Ultimate Final Coaching series ng Dr. Carl E. Balita Review Center para sa Licensure Examination for Teachers (LET) sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Sa kanyang pagharap sa humigit-kumulang 5,000 future teachers sa huling yugto ng licensure exam, hinimok sila ni Go na manatiling matatag sa kanilang dedikasyon bilang mga taga­pagturo.

Kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Month, binigyang-diin ni Go ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa pagbuo sa bansa at sa paghubog sa kabataan na siyang kinabukasan ng ating bayan.

“Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Month, nais ko rin pong bigyan ng espesyal na pagkilala ang ating mga guro. Saludo kami sa inyong lahat!  Kayo ang tunay na bayani ng ating bayan—ang gumagabay sa ating mga kabataan tungo sa mas maliwanag na hinaharap,” sabi ni Go.

Ibinahagi ni Go ang mga isinusulong niyang batas na susuporta sa sektor ng kabataan. Kabilang dito ang Senate Bill No. 1786, na kung maisasabatas ay mag-uutos sa mga pampublikong institusyong pang-edukasyon (HEIs) na magtatag ng Mental Health Office sa mga kampus. Siya rin ang co-author at co-sponsor ng SBN 2200, o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.

Ang senador din ang co-author at co-sponsor ng RA 11510, na nag-institutiona­lizes sa Alternative Learning System (ALS) upang mapabuti ang basic education delivery sa mga underserved at disadvantaged na mag-aaral, kinabibilangan ng indigenous at mga mag-aaral na may physical at learning disabilities.

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Senator Go si Dr. Carl Balita, tagapagtatag ng kilalang Carl Balita Review Center, sa kanyang napaka­halagang kontribusyon sa paghahanda ng mga naghahangad maging guro para sa LET.

Show comments