MANILA, Philippines — Mahigpit na hinimok ng embahada ng Pilipinas sa Beirut ang lahat ng Pilipino sa Lebanon na umalis sa bansa matapos ang sunud-sunod na mga pagsabog ng pager at walkie-talkie sa buong Lebanon.
“The Philippine embassy strongly urges all Filipino nationals to CONSIDER leaving the country while commercial flights are still available. Your safety and well-being are of utmost priority,” ayon sa advisory.
Tiniyak naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac kahapon na walang nasaktan sa mga OFW sa kabila na 40 kataong nasawi at nasa 3,000 nasugatan.
May mga itinalagang repatriation flights ang gobyerno para sa mga Pilipinong nais lumikas sa Lebanon.
Pinayuhan din ng embahada ang mga Pilipino na tiyaking nasa kamay ang mga mahahalagang dokumento katulad ng mga pasaporte at iqamas at dapat nilang mahigpit na subaybayan ang mga lokal at internasyonal na balita.
Hinimok din nito ang mga Pilipino na maging aware sa kanilang paligid at iwasan ang lahat ng demonstrasyon at malalaking pagtitipon.