^

Bansa

‘Polvoron’ video ni Marcos ‘deepfake’ - AI experts

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Polvoron� video ni Marcos �deepfake� - AI experts
President Ferdinand Marcos Jr. delivers a speech during the 50th Anniversary of the Publishers Association of the Philippines Inc. on Sept. 20, 2024.
Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Napatunayan na ng mga eksperto sa digital media at artificial intelligence (AI) na fake ang kumalat na video noong Hul­yo kung saan sumising­hot umano ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng AI experts mula sa Deepfakes Analysis Unit (DAU) na isang India-based Misinformation Combat Alliance, na ang video na kumalat bago ang ikatlong SONA ng Pangulo ay malawakang minanipula para magmukha na si Marcos ang nasa video.

Ang resulta ng DAU ay bineripika rin ng Vera Files na isang indepen­dent social media unit at isa sa nangungunang fact-checkers sa bansa.

Dahil dito, ayon kay Presidential Communications (PCO) acting Secretary Cesar Chavez, na vindicated na si Pangulong Marcos mula sa mga malisyosong indibidwal na nagnanais na siraan ang presidente at maging ang kanyang pagkatao.

Ang naturang video ay pinadala aniya sa India based misinformation advocate kaya nadiskubre ang mga bakas ng malawak na manipulasyon sa sinasabing “polvoron video”.

Sa pamamagitan aniya ng paggamit ng tinatawag na SensityAI, nadiskubre ng DAU na ang “polvoron video” ay malisyoso at nagpapakita ng senyales ng manipulasyon na tinawag na “face swap”.

Gamit pa rin ang tool na tinatawag na HIVE, nadiskubre rin ang manipulasyon sa run time sa video kung saan ang “no deepfake” at ang deepfake manipulation ay nag-overlapped.

Matatandaan na itinanggi na noong Hul­yo 23 ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na tunay ang naturang video.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with