^

Bansa

25 patay kay Ferdie, Gener, Helen, Igme, habagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
25 patay kay Ferdie, Gener, Helen, Igme, habagat
This photo shows personnel from the Phillippine Coast Guard rescuing an elderly man in Rizal due to flooding caused by heavy rains brought by Tropical Cyclone Ferdie on Sept. 14, 2024.
PDRRMO Samarica Sub-Office/ Released via Facebook

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 25 katao ang iniulat na nasawi sa magkakasunod na bagyong Ferdie, Gener, Helen, Igme na pinalakas pa ng habagat.

Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, sa 25 na nasawi, 10 ay mula sa Mimaropa, lima sa Region 6, dalawa sa Region 7, apat sa Region 9, at apat sa BARMM.

Samantala, 13 ang iniulat na sugatan at walo ang nawawala.

Ayon pa sa NDRRMC, ang kalamidad ay nakaapekto sa 387,755 pamilya o katumbas ng 1,449,333 katao habang 5,783 pamilya o 23, 512 indibidwal ang pansamantalang nanuluyan sa 199 evacuation centers.

Naitala naman sa 122 kalsada at 14 tulay sa buong bansa ang naapektuhan habang ang pinsala sa agrikultura ay nasa P 600 milyon.

Patuloy namang nararanasan ang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot ng southwest monsoon o habagat.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with