Go, Bato, Ipe pambato ng PDP sa 2025

MANILA, Philippines — Kabilang sina Senators Bong Go, Ronald Bato dela Rosa at ang aktor na si Philip Salvador sa senatorial lineup ng partidong Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa 2025 midterm elections.

Pinangunahan ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte ang National Assembly ng PDP nitong Biyernes na ginanap sa Davao City.

Sina Go at Dela Rosa ay kilalang kaalyado at malapit kay dating pangu­long Rodrigo Duterte na siyang chairman ng nasabing partido.

Matatandaan na noong mga nakaraang linggo ay umanib din ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sebastian Duterte sa PDP.

Itinalaga naman ng PDP si Sen. Robin Padilla bilang party president at campaign mana­ger ng partido habang ang batang Duterte ang bagong executive vice-president.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni dating pangulong Duterte ang aniya’y nanatiling tapat sa partido.

Show comments