Konek ni Guo sa Fujian gang, inaalam na ng Quad Comm
MANILA, Philippines — Hindi umano malayong konektado ang nadismis na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Fujian gang, isang Fujianese crime syndicates na kahanay ng triad gangs.
Ito ang paniniwala ni House Committee on Justice Vice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro na naglabas ng ilang ebidensiya na magpapakitang si Guo ay malapit sa mga negosyanteng mula sa Fujian province, China.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Quad Comm, inilantad ni Luistro ang isang congratulatory poster mula sa Manila-based Chinese businessmen, na mula sa nasabing probinsya sa China, na ipinagdiwang ang pagkapanalo ni Guo bilang “first Chinese mayor in the Philippines” in 2022.
Lalong naghinala si Luistro dahil sa rekord ng Bureau of Immigration (BI) ay nagsasabing ang dependent ng ina ni Guo, na si Lin Wen Yi, ay mula rin sa Fujian.
Binigyan-diin pa ng Batangas lady solon na ang dalawang business partner ni Guo at kasama bilang incorporators sa Bamban-based Baofu Land Development Inc., na sina Lin Baoying at Rujin Zhang na kapwa convicted sa anti-money laundering sa Singapore ay kapwa Fujians din.
“I wonder, Mr. Chair, if these are merely coincidences?” tanong ng mambabatas kung bakit tila nagtutugma na pawang taga-Fujian ang nauugnay kay Guo kaya lumakas ang kanyang paghihinala na baka konektado ang huli sa naturang notorious crime syndicate.
- Latest