Pangulong Marcos hinikayat na sumali sa ICC
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate Minority leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suriing muli ang posisyon sa International Criminal Court (ICC) at ikonsidera ang muling pagsali sa international tribunal.
“Let us rejoin the ICC. We should treat this as our ‘insurance policy’ just in case ‘our system’ fails us and we get to elect an abusive, tyrannical, heartless leader, and our justice system fails us too,” pahayag ni Pimentel.
Ang panawagan ay ginawa ng Senador sa mga miyembro ng diplomatic community sa ginanap na foreign policy address sa Department of Foreigb Affairs (DFA) nitong Biyernes.
Taong 2018 nang ianunsiyo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC matapos magsagawa ng investigation ang huli sa anti-drug campaign ng dating administrasyon.
Iginiit pa ng senador na ang pagsaling muli sa ICC ay aksyon ng ehekutibo at ang Presidente ang may hawak nito.
Nauna na rin nanindigan si Marcos na hindi niya kilalanin ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.
- Latest