^

Bansa

Bagyong Nika lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagyong Nika lumakas
Alas-11 ng umaga ng Sabado, ang sentro ng Bagyong Nika ay namataan ng PAGASA sa layong 1,145 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 70 km bawat oras.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Lumakas at naging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa silangan ng southeastern Luzon na tatawa­ging Bagyong Nika.

Alas-11 ng umaga ng Sabado, ang sentro ng Bagyong Nika ay namataan ng PAGASA sa layong 1,145 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 70 km bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang Signal number 1 sa Catanduanes.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Nika ay kikilos sa pakanluran hilagang kanluran sa forecast period.

Inaasahan itong mag-landfall sa Isabela o Aurora sa darating na Lunes, November 11 .

Bahagyang lalakas si Nika at maaabot ang severe tropical storm category sa Lunes bago bumagsak sa lupa. Hihina ang bagyo oras na dumaan sa may terrain ng mainland Luzon pero mananatili itong isang severe tropical storm.

Ngayong Linggo, ina­asahan na si Nika ay nasa layong 650 km sila­ngan ng Infanta, Quezon at nasa layong 215 km silangan ng Southeast Echague, Isabela.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with