^

Bansa

Makabagong gamit, barko sa PCG itinulak sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  “Papaano mababantayan ng ating PCG ang West Philippine Sea (WPS) kung kulang o wala silang gamit”?

Ito ang inihayag ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo matapos lumusot sa kongreso sa ikalawang pagbasa ang House Bill 10841 o ang Philippine Coast Guard Modernization Act noong nakaraang linggo.

“Kung ano ang kailangan ng ating coast guard, ibigay kasi nakasalakay sa kanila ang pagbantay sa WPS para hindi tuluyang makamkam ang ating teritoryo,” ani Tulfo.

Ayon pa sa mambabatas, makabagong gamit ang kailangan ng PCG para makaresponde ng maayos ang mga tauhan natin at hindi na lang basta binu-bully.

Ang nasabing panukalang batas ay magbibigay ng P5 bilyon pondo sa PCG taun-taon para makatugon sa anumang sitwasyon sa mga panahon ngayon.

“We are facing a serious kind of threat na kailangan tugunan natin dahil soberenya ng ating bansa ang nakataya dito,” ani Tulfo.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with