‘Di babawasan ng Senado holidays — Chiz
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang intensyon ang Senado na bawasan ang kasalukuyang bilang ng mga holidays.
Sinabi ni Escudero na sa kasalukuyan ay mayroong 23 hanggang 25 local at national holidays – 21 national holidays at dalawa hanggang tatlong municipal at provincial holidays.
“Remember, there are 21 national holidays, there’s at least one holiday per municipality (and) we’re granting holidays in provinces na wala pang holiday. Pero kung meron na, huwag nang dagdagan pa,” ani Escudero.
“Walang issue sa holidays. Ang polisiya ng Senado, huwag nang dagdagan ‘yung mga holiday natin ngayon dahil sobrang dami na pero wala kaming balak bawasan,” sabi ni Escudero
Inaasahang aaprubahan ng Senado ang tatlong panukala na nagdedeklara ng holiday sa tatlong lalawigan.
“We’re granting holidays in provinces that don’t have a holiday yet pero kapag meron na huwag na ngang dagdagan. Sa araw na ito, tatlo ang aaprubahan naming bill na naglalayong magkaroon ng holiday sa tatlong probinsiya. ‘Yung isa hindi namin pinayagan dahil may dalawa na siyang provincial holiday,” ani Escudero.
“So, dun nag-aapply, ito ‘yung maliwanag na ebidensiya na huwag nang dagdagan pero ‘wag bawasan. Tapos idagdag mo pa ‘yung holiday economics na kapag may na-sandwich, may naipit, idedeklara ng presidenteng holiday pa,” ani Escudero.
- Latest