^

Bansa

P1.2 bilyong ayuda ipinamahagi ng BPSF sa Tacloban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

 TACLOBAN CITY, Philippines — Umaabot sa P1.2 bilyong halaga ng ayuda ang ipinamahagi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa ilalim ng mega “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” o BPSF ng administrasyon na pinakamalaki at pinakabonggang mega serbisyo caravan habang dinagsa rin ng mga mambabatas ang event sa lungsod na ito nitong Biyernes.

Ito ang inihayag nina House Deputy Secretary General (DSG) Sofonias Gabonada Jr., isa mga lider ng BPSF National Secreta­riat; at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa unang taon ng anibersaryo ng nasabing programa.

“Sobrang proud na proud kami sa programang ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil napakarami ng ating naabot sa mga kababayan natin sa malalayong probinsiya. Ito naman talaga ang esensya ng Bagong Pilipinas campaign ng ating Pangulo, ang ilapit ang serbisyo sa mga tao,” pahayag ni Romualdez.

Ayon kay Gabonada, ito ang ika-21 na paglulunsad ng Eastern Visayas BPSF kung saan aabot sa P1.2 bilyong halaga ng serbisyo sa mamamayan ang ipinamahagi sa Region VIII kung saan mahigit sa P800-M dito ay cash assistance.

“Nandito ang mga cong­ressman, 242 House members who will be visi­ting tomorrow to witness the Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at gusto nilang makita na yung inilaan nilang pondo sa mga ahensya ng gobyerno at mga program nito ay naparating talaga sa mga tao,” ayon kay Gabonada.

Ang mga mambabatas ay nagpakita ng solidong suporta sa BPSF ni Pangulong Marcos habang pina­ngungunahan ni Romualdez ang serbisyo caravan.

Inihayag ni Gabonada na isa itong tanda sa ­unang pagkakataon na ang BPSF ay isasagawa sa lahat ng rehiyon para sa rollout ng serbisyo caravan sa Tac­loban City habang ang iba pang mga mini-BPSF ay isasagawa sa Eastern Visayas.

BPSF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with