MANILA, Philippines — Tiniyak ng SM Prime na nananatili itong nakatuon sa climate adaptation at sustainability sa mga proyekto nito habang pinapalawak ang pakikipagtulungan sa gobyerno at iba pang stakeholder para mapalago ang mas matatag na komunidad.
Naniniwala ang chairman ng executive committee ng SM Prime Holdings na si Hans T. Sy na dapat magtulungan ang gobyerno at pribadong sektor sa paghahanap ng solusyon para sa higit na katatagan upang malabanan ang panganib ng kalamidad na isa sa mga pangunahing estratehiya sa negosyo.
“Ang katatagan ay hindi lamang isang salita, ito ay isang paraan ng pamumuhay. Ito ay isang pangako upang matiyak na kumilos tayo ayon sa ating responsibilidad na pangalagaan ang iba at walang maiiwan,” sabi ni Sy.
Kamakailan ay minarkahan ng SM Prime Holdings ang ika-30 taon nito bilang isang publicly-listed na kumpanya na na-highlight sa pamamagitan ng kanyang track record ng sustainable development.
Sinabi niya na ang climate adaptation at resilience ay mga susi sa pag-unlad sa kabila ng pinsala at pagkalugi na dulot ng climate change.
Bilang isang inhinyero, sinabi ni Sy na pinahahalagahan niya ang disenyo ng mga istraktura na hindi lamang mahusay kundi matibay at resilient.
Ang mall arm ng SM Prime, ang SM Supermalls, ay nangunguna sa climate adaptation sa pamamagitan ng epektibong pag-iwas sa mga panganib sa pagbaha sa mga komunidad.
Sinabi ni Liza Silerio, pinuno ng SM Supermalls para sa corporate compliance at sustainability na ang higit 25 rainwater catchment basin ay nagsisilbing mahalagang buffer sa panahon ng malakas na buhos ng ulan, na kumukolekta ng labis na tubig-ulan upang maiwasan ang pagbaha sa mga nakapaligid na komunidad.