Tolentino: Mag-ingat sa pagbili, pagkonsumo ng isda, shellfish sa mga apektado ng oil spill
MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang mga mamimili na mag-ingat sa pagbili at pagkonsumo ng mga isda at shellfish na galing sa mga coastal areas na apektado ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan noong Hulyo 25.
Inilabas ni Tolentino ang paalala sa kanyang pagbisita sa Barangay 31 sa Caloocan City, at Barangay 123 sa Tondo, Maynila kung saan namahagi siya ng tulong kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina.
“As consumers, we should take extra precautions when buying or consuming fish or shellfish that may have come from coastal areas affected by the oil spill,” sabi ni Tolentino.
“We need to clean these products thoroughly, or maybe avoid these at all for health and safety considerations,” dagdag ng senador.
Sa kanyang radio program na ‘Usapang Tol’, nagbigay ng update ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Rear Admiral Armand Balilo sa pagsisikap ng PCG at ng shipping company na pigilan ang oil spill at pagsipsip sa natitirang langis sa loob ng tanker.
Kung maaalala, si Tolentino ang nakipag-coordinate para sa technical assistance mula sa Japanese government para tumulong sa pagpigil sa MT Princess Empress oil spill sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon.
- Latest