^

Bansa

3.3 milyong apektado ng bagyong Carina, Butchoy, habagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3.3 milyong apektado ng bagyong Carina, Butchoy, habagat
Residents take advantage of the sunny weather as they wash their muddied clothes and other belongings in Marikina City on July 27, 2024, a few days after the onslaught of Super Typhoon #CarinaPH and southwest monsoon.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 3.3 milyong katao ang naapektuhan ng magkakasunod na Tropical Depression Butchoy at bagyong Carina na pinalakas pa ng habagat.

Ayon sa National Di­saster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 905,086 pamilya o 3,360,339 katao ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon.

Sa nasabing bilang nasa 1.1 milyon mula sa 270,000 pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers habang ang iba pang mga apektado ay nanuluyan naman sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa ligtas na lugar.

Nasa 104 lugar naman ang isinailalim sa state of calamity kabilang ang 57 lugar sa Central Luzon; 24 sa CALABARZON, 17 sa National Capital Region, tatlo sa MIMAROPA o Region IV-B, dalawa sa SOCCSKSARGEN o Region 12 at isa sa Davao Region.

Sa rekord ng NDRRMC, nasa 16 katao ang nasawi na kinabibilangan ng lima sa CALABARZON, apat sa Zamboanga Peninsula, tig-dalawa sa Central Luzon at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, tig-isa sa Northern Mindanao, Davao Region at NCR na pawang namatay sa landslide at pagkalunod.

Samantala dalawa ang nawawala - isa sa CALABARZON at isa rin sa Northern Mindanao, habang apat ang naita­lang sugatan sa Northern Minda­nao at Cordillera Administrative Region (CAR).

Gayunman, higit na mataas ang bilang na naitala ng Philippine National Police (PNP) na nasa 34 ang itinalang death toll habang ayon sa NDRRMC ay isasailalim pa nila ito sa beripikasyon.

Sa kasalukuyan, 78 pang mga kalsada at pitong tulay ang hindi pa rin madaanan dahil sa pagbaha at landslides. Karamihan dito ay nasa NCR na nasa 22 kalsada, Ilocos Region nasa 19 kalsada at dalawang tulay gayundin sa CALABARZON na nasa 14 kalsada at dalawang tulay.

Iniulat rin na nasa 22 lugar ang wala pa ring supply ng kuryente na kinabibilangan ng siyam sa CALABARZON at lima sa Ilocos Region.

NDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with