Pinas inalis na sa ‘grey list’
MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Financial Action Task Force (FATF) na inalis na ang Pilipinas sa “grey list” ng mga bansang nasa increased monitoring sa money laundering and countering financing of terrorism (AML/CFT).
Ayon sa Paris-based task force, nagawan ng paraan ng Pilipinas para tuluyang labanan ang pagpasok ng “dirty money” at “terrorism financing”.
Ginawa ng FATF na alisin ang Pilipinas mula sa “grey list” matapos ang onsite visit nito noong Enero 20-22, 2025 kung saan matagumpay na ipinakita ng Pilipinas ang pagsunod sa kanilang action plan.
Ang pagtatanggal ng bansa mula sa nasabing listahan ay naganap halos dalawang taon matapos maglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 2023 ng Executive Order 33 na nagsilbing gabay para sa pagtugon sa action plan na ipinataw ng FATF.
- Latest