^

Bansa

Pagawaan ng fake birth cert ng Chinese sa Davao, bistado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagawaan ng fake birth cert ng Chinese sa Davao, bistado
Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), isang Chinese ang naaresto habang nag-aaplay ng pasaporte sa Davao City gamit ang mga pekeng dokumento.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines —  Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang nabuking na pagawaan ng mga pekeng birth certificate sa Davao del Sur na nakikipagsabwatan umano sa mga tiwaling Chinese national upang palabasin na ang mga ito ay Pilipino.

Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), isang Chinese ang naaresto habang nag-aaplay ng pasaporte sa Davao City gamit ang mga pekeng dokumento.

Isang Hengson Le­mosnero, na ang tunay na pangalan ay Hanlin Qiu, ay inaresto ng Department of Foreign Affairs office sa Ecoland, Davao City matapos mag-apply ng Philippine passport gamit ang pekeng birth certificate. Si Qui ay kabilang sa 200 Chinese nationals na nakakuha ng mga pekeng birth certificate mula sa municipal civil registry ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

“Filipinos are not for sale, dapat walang pekeng Pinoy” deklara ng mga mambabatas na ipinasisiyasat sa Kamara ang nadiskubre ng NBI na may 200 pekeng birth certificate ang inisyu sa mga Chinese nationals ng local civil registry sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

“We must understand that a birth certificate is more than just a document; it symbolizes a Filipino’s connection to their country. It is the first official document that every Filipino receives as their birthright, establishing their official tie to the nation,” pahayag ng mga solon.

Binigyang diin ng mga mambabatas na ang birth certificate ay hindi dapat napa-fabricate, ipinamimigay na sa madaling salita ay dapat walang pekeng Pilipino.

Mahalaga anilang ma­kilala ang mga kasabwat na Pilipino ng mga Chinese na isang malaking banta sa seguridad at soberenya.

DAVAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with