5 porsyento na lang apektado sa backlog sa lisensya - LTO
MANILA, Philippines — Inihayag ni Land Transportation Office (LTO) chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang natitirang limang porsyentong mga motorista na hindi pa nakukuha ang kanilang plastic-printed driver’s license na gamitin ang “Aksyon on the Spot 09292920865” para sa mas mabilis na pag-imprenta.
“We will immediately print their driver’s license here in the Central Office and we will also give them the option if they want their plastic-printed driver’s license through our accredited courier service,” ani Mendoza.
Aniya, limang porsyento na lamang ang mga apektado ng backlog na hindi pa nakakakuha ng kanilang plastic-printed driver’s license.
Giit ni Mendoza, natugunan na ng LTO ang milyun-milyong backlog sa paper-printed driver’s license.
“We already downloaded sufficient supply of plastic cards down to the licensing offices across the country. Kaya dapat lahat ay may plastic-printed driver’s license na dahil wala na pong backlog dito,” dagdag ng LTO chief.
- Latest