^

Bansa

Seguridad sa SONA ni Pangulong Marcos tiniyak ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Matapos ‘designated survivor’ joke ni VP Sara

MANILA, Philippines — Matapos ang binitawang salita ni Vice President Sara Duterte na siya’y isang “designated survivor”  tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na walang banta sa seguridad sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Hulyo 22.

Sinabi ni VP Sara na siya ay “designated survivor” kaya hindi dadalo sa ikatlong SONA ni Marcos.

Subalit ayon kay PNP Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo, plan­tsado na ang lahat ng seguridad at walang dapat na ikabahala sa paglalahad ni Pangulong Marcos ng kanyang SONA sa Batasan Pambansa Complex.

“Wala pa naman tayong namomonitor na ano mang seryosong banta sa ating seguridad lalong lalo na sa pagsasagawa ng SONA ng ating Pangulo,” ani Fajardo.

Umani ng samu’t saring­ reaksiyon ang “designated survivor” ni VP Sara kung saan ilan ang nagpahayag ng pangamba na may mangyayaring gulo.

Ayon sa batas, sa ilalim ng line of succession ang bise presidente ang hahalili sa pangulo ng bansa sakaling may mangyari dito.

“Patuloy ‘yung ating intelligence gathering and monitoring katuwang ng ating security forces particularly ‘yung Armed Forces of the Philippines,” dagdag pa ni Fajardo.

Una nang sinabi ng PNP na umaabot sa 22,000 ang nakakalat na pulis para sa SONA kung saan 6,000 ang itinalaga sa paligid ng Batasan.

Nakahanda na rin aniya ang Task Force Manila Shield na magsasagawa ng security operations laban sa posibleng mga banta sa mga vital installations.

Mas paiigtingin din ang mga checkpoints sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Hindi rin papayagan ang mga drone na malapit sa Batasan Complex.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with