^

Bansa

Harry Roque nag-‘lobby’ sa POGO

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Harry Roque nag-�lobby� sa POGO
Former presidential spokesperson Harry Roque
Presidential Photo/Yancy Lim

MANILA, Philippines — Si dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang tinukoy kahapon ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chief Alejandro Tengco na lumapit sa kanyang tanggapan upang matulungan ang isang Cassandra Lee Ong, tungkol sa dapat bayaran ng Lucky South 99 na isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa pagdinig ng Se­nate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, sinabi ni Tengco na tumawag si Roque sa kanyang opisina noong Hulyo 2023, at nagtatanong kung maaari siyang ma­kipag-appointment sa PAGCOR.

Si Roque rin umano ang “legal head” ng Lucky South 99.

Sa ika-apat na pagdinig ng komite, iniharap din ni Tengco ang organizational chart na kalakip ng mga dokumentong isinumite ng Lucky South 99 para sa kanilang orihinal na aplikasyon ng lisensya, na nagtalaga kay Harry Roque bilang “legal head”.

Matatandaan na sinabi ni Tengco na papangalanan niya ang isang dating opisyal ng Gabinete sa ilalim ni dating Pangulong  Rodrigo Duterte na nag-lobby umano para ma-renew ang lisensiya ng isang POGO.

Sinabi rin ni Roque na hiniling ni Ong sa PAGCOR na payagan ang Lucky South 99 na magbayad ng mga hindi pa nababayarang buwis ng  installment, na tinatantya ni Tengco na hindi bababa sa $500,000.

Sinabi umano ni Ong na naloko sila ng isang Dennis Cunanan, na umano’y nangolekta ng anim na buwang halaga ng buwis ngunit hindi ito ipinadala sa PAGCOR.

Nilinaw din ni Tengco na sinamahan lang ni Roque si Ong.

“Hindi naman nya ako prine-pressure. Pero bilang abogado siguro, nag-facilitate at sinamahan nya kliyente niya. Sinamahan niya lang,” ani Tengco.

Matapos ang pulong, nakipag-ugnayan pa umano si Roque nang hindi bababa sa anim na beses hinggil sa status ng muling pag-a-apply ng lisensya ng Lucky South 99, na inihain noong Setyembre 2023.

Kaugnay nito, ipapatawag sa susunod na pagdinig ng komite sina Roque at dating PAGCOR chairman at CEO Andrea Domingo.

Sa statement na ipinadala ni Roque sa media, itinanggi nito na naging legal counsel siya na kahit na anong illegal POGO.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with