^

Bansa

Batang Muslim na may sakit sa puso nailigtas ng Malasakit Center

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Si Baisaman Madale ay namumuhay nang simple at debosyon sa Barangay 648, Quiapo, Lungsod ng Maynila.

Bilang isang Muslim na lola sa isang batang lalaki na nagngangalang Abdul Jalil Madale Lorioda, ang buhay ni Baisaman ay umiikot sa pamilya at pananampalataya.

Gayunpaman, ang kalusugan ng kanyang apo ay lubos na nakaapekto sa kanilang buhay.

Si Abdul Jalil ay na-diagnose na may depekto sa puso sa murang edad, isang rebelasyon na nagdulot sa kanila ng takot at kawalan ng katiyakan.

“Nu’ng maliit pa po siya, nu’ng baby pa siya, ay nakita na po siya na may butas sa puso,” paliwanag ni Baisaman.

Ang mga doktor ay umaasa ngunit malinaw na kailangan ng operasyon ng bata.  Nahaharap sa napakataas na gastos sa medikal, nadama ng pamilya ang bigat ng kawalan ng pag-asa.

Sa kanilang paghahanap ng tulong, dumulog ang pamilya Madale kay Go at sa Malasakit Center sa National Children’s Hospital sa Quezon City.  Dito, binigyan si Baisaman at kanyang pamilya ng garantiya na sumasakop sa gastos ng operasyon ni Abdul Jalil.

Higit sa pinansiyal na tulong, ito ay isang “lifeline” na nagbigay-daan kay Abdul Jalil na maoperahan na nakabawas sa bigat ng kalooban ng pamilya.  Para kay Baisaman, ang suporta ni Sen. Go at Malasakit Center ay patunay ng tunay na pangangalaga ng inisyatiba ng senador.

“’Yung pagma-malasakit niya (Go) at pagsi-service niya po sa tao ay talagang totoo po ‘yun. So, ramdam na ramdam po namin ‘yan,” ibinahagi ni Baisaman.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa ngayon ay may 165 Malasakit Centers na ang operational sa buong bansa na nakahandang tumulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente.

vuukle comment

BAISAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with