^

PM Sports

Lacsina-Nisperos reunion sa Akari

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos maglaro sa Nxled ay isusuot ni Ivy Lacsina ang uniporme ng Akari para sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magsisimula bukas sa Philsports Arena sa Pasig City.

At sa kampo ng Chargers muling makakasama ni Lacsina ang kanyang Nazareth School of National University teammate na si Faith Nisperos.

“Siyempre excited ako kasi parang ilang years bago ko ulit makasama si Faith (Nisperos), and nu’ng high school talaga kami na­ging close kami ni Alyssa Solomon tsaka ni Faith kaya ngayon siyempre excited ako,” ani Lacsina.

Sa nakaraang 2024 PVL All-Filipino Confe­rence ay natulungan ng 6-foot-1 outside hitter ang Chameleons sa pagtatala ng 4-7 record.

Matapos ito ay nagkaroon ng palitan ng mga players at coaches ang Nxled at Akari.

Napunta sina Lacsina, Dani Ravena, Kamille Cal at Camille Victoria sa Chargers kapalit nina Dindin Santiago-Manabat, Trisha Genesis, Bang Pineda at Roselle Baliton na magla­laro sa Chameleons.

“Parang minimal lang naman ‘yung mga in-adjust ko pagdating sa teammates kasi ‘yung coach and ‘yung iba naming coaches, nakasama ko na sa Nxled,” sabi ni Lacsina na dating naglaro sa F2 Logistics Cargo Movers.

Lumipat din si Japanese coach Taka Minowa sa Akari habang gagabayan ni Raffy Mosuela ang Nxled.

Sasalang si Lacsina at ang Chargers sa Hulyo 18 katapat ang Capital1 Solar Spikers.

Hahataw ang PVL Reinforced Conference bukas tampok ang laro ng Gale­ries Tower at Nxled sa alas-2 ng hapon kasunod ang upakan ng Chery Tiggo at Farm Fresh sa alas-4 ng hapon at ang bakbakan ng Creamline at PLDT sa alas-6 ng gabi.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with