^

Bansa

Seguridad ni Mayor Guo sa Senado, tiniyak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Seguridad ni Mayor Guo sa Senado, tiniyak
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo on May 22, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz’ Escudero ang seguridad ni Bamban Mayor Alice Guo at iba pang naisyuhan ng arrest orders sa ­sandaling maidetine sila sa Senado.

Sinabi ni Escudero na handa na ang detention facilities para kay Guo at ilan pang indibidwal  sa sandaling maaresto sila.

“Ginagarantiya ng Senado kung sinoman ang dadakpin para idetina sa Senado ang seguridad ninoman, kabilang siya (Mayor Guo),” ayon pa kay Escudero.

Na-identify na rin aniya ni Senate Sergeant-at-Arms retired Lieutenant General Roberto Ancan ang pag­dedetinihan, hindi lang kay Guo kundi sa iba pang inisyuhan ng warrant of arrest ng Senado.

Matatandaan na nitong weekend ay naglabas ng arrest order ang Senado para ay Guo at iba pang personalidad dahil sa kabiguan nilang dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa ni-raid na POGO hubs sa Bamban, Tarlac.

Tanging si Nancy Jimenez Gamo, na accountant ni Guo ang naaresto.

Samantala, pinakikilos ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno para agad na madakip si Guo at iba pa.

Giit ni Estrada, dapat na magtulungan na ang lahat ng government agencies na may police powers para mahanap si Guo.

Mas mainam aniya kung susuko na lang si Guo maliban na lamang kung ito ay nakalabas na ng bansa.

Nanawagan din si Sen. Sherwin Gatchalian kay Guo na boluntaryo na itong sumuko dahil sigurado namang batid ng suspendidong mayora na mayroong arrest order laban sa kanya.

Umapela rin si Gatchalian kay Guo na irespeto ang batas ng Pilipinas.

vuukle comment

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with