^

Bansa

Solon kinalampag Comelec: VCMs ng Smartmatic gamitin sa 2025 elections

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakiisa na rin nitong Lunes si Rizal 2nd District Rep. Emigdio “Dino” Tanjuatco III sa panawagan sa Comelec na ikonsidera ang paggamit sa mga Vote Counting Machines (VCMs) ng Smartmatic sa 2025 midterm elections na para makatipid ng halos P8 bilyon na magagamit pa sa mas kinakailangang public goods at services.

Ito’y sa gitna na rin mga agam-agam sa bagong ‘hybrid ‘ voting at counting system na kinontrata ng Comelec sa halos kulang isang taong preparasyon para sa national at local elections sa susunod na taon.

Si Tanjuatco ay sumang-ayon sa suhestiyon ng kaniyang mga kasamahang mambabatas na nagsusulong sa paggamit ng 97,000 VCMS na binili ng Smartmatic.

Kinuwestiyon ng mambabatas ang integridad ng vote-counting machine ng Miru na prototype machine na halos hindi mabasa ang mga sample ballot sa demo noong Pebrero.

Kinuwestiyon din ng Rizal solon ang ginawang pagmamadali sa paglagda ng Comelec sa kontrata sa Miru gayong kuwestiyonable ang performance nito sa election sa ibang bansa.

Sa ruling ng Korte Suprema, nakagawa ng ‘grave abuse of discretion’ ang Comelec ng idiskuwalipika ang Smartmatic sa bidding at tanging Miru lamang ang nag-iisang bidder. Ang vote counting machine ng Miru ay sumablay sa Democratic Republic of the Congo, Iraq at iba pa.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with