^

Bansa

Higit 2 libong BHWs, indigents sa Nueva Ecija inayudahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na tinulungan ni Senator Christopher “Bong” Go ang libu-libong barangay workers at indigents sa Santa Rosa, Nueva Ecija noong Miyerkules.

Ininspeksyon din niya ang Multi-Purpose Facility nito na nagsisilbing evacuation center na sinuportahan niya para maitayo bilang vice chair ng Senate Finance Committee.

Kilala bilang Mr. Malasakit, idiniin ni Go na mahalagang patuloy na tulungan ng pamahalaan, partikular ang mga pinakamahihirap na miyembro ng lipunan.

Bilang anak ng Nueva Ecija, namahagi si Go at ang kanyang Malasakit Team ng grocery packs, meryenda, bitamina, masks, kamiseta, basketball, at volleyball sa higit 2,000 benepisyaryo, kinabibilangan ng Barangay Health Workers (BHWs) at mahihirap na residente. Nakatanggap din ang ilan ng bisikleta, relo, sapatos, at mobile phone.

Adbokasiya ni Go ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience sa pamamagitan ng kanyang inihaing ­Senate Bill No. 188 na nakatuon sa pagbuo ng adaptive, disaster-resilient na mga komunidad. Isa rin siya sa co-sponsor at isa sa may-akda ng SB 2451, mas kilala bilang Ligtas Pinoy Centers Act, na magtatag ng mga mandatoryong evacuation center sa buong bansa.

At para kilalanin at suportahan ang pagsusumikap ng barangay officials at health workers, inihain ni Go ang SB 197, o ang Magna Carta for Barangay, na layong bigyan ang mga opisyal ng barangay ng karagdagang suporta at benepisyo kung magiging batas.

Ang SBN 427 naman o ang Barangay Health Workers Compensation Act kung magiging batas, ay titiyak sa patas na kompensasyon at benepisyo para sa mga frontline health worker.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with