^

Bansa

Libreng toll fee sa Cavitex sa Hulyo aprub na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Libreng toll fee sa Cavitex sa Hulyo aprub na
Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA), operator ng Cavitex na suspendihin ang paniningil ng toll fee mula Hulyo 1 hanggang 30.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — “Good news” sa mga motorista na dumaraan sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex).

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA), operator ng Cavitex na suspendihin ang paniningil ng toll fee mula Hulyo 1 hanggang 30.

Ang TRB ang governing body na nangangasiwa sa tollways sa buong bansa.

“Nagpapasalamat tayo sa TRB sa kanilang agarang aksyon sa ­rekomendasyon na ito ng PRA (We thank the TRB for their prompt action on this ­recommendation of the PRA),” ani Marcos.

Pinasalamatan din ni Marcos ang MVP Group sa pagsuporta sa panukalang suspensiyon.

“Nagpapasalamat din tayo sa MVP Group sa pagsuporta sa panukalang ito,” ani Marcos.

vuukle comment

MANILA-CAVITE EXPRESSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with