^

Bansa

Pangulong Marcos: Pinas ‘di gagamit ng dahas sa West Philippine Sea

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Pinas �di gagamit ng dahas sa West Philippine Sea
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on May 25, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi gagamit ang Pilipinas ng dahas, hindi mananakot o gagawa ng pinsala o pananakit sa sinuman sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

“In the performance of our duties, we will not resort to the use of force or intimidation, or deliberately inflict injury or harm to anyone,” pahayag ng Pangulo sa kanyang “Talk to the Troops” sa Western Command Headquarters sa Camp General Artemio Ricarte sa Puerto Princesa City, Palawan kahapon.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi magsisimula ng giyera ang Pilipinas at hindi gawain ng bansa na mang-udyok ng kaguluhan, bagkus ay nakatuon ang gobyerno na magbigay ng mapayapa at masaganang buhay sa bawat Pilipino.

“We are not in the business to instigate wars — our great ambition is to provide a peaceful and prosperous life for every Filipino. This is the drum beat — this is the principle that we live by, that we march by,” ani Marcos.

Pero nilinaw ng ­Pa­ngulo na maninindigan ang Pilipinas kaya hindi umano dapat ituring na pagpaparaya ang pagiging kalmado at mapayapang disposisyon ng gobyerno.

“History itself can tell that we have never, never in the history of Philippines, ­yielded to any foreign power…we owe to our forefathers the duty to keep the freedoms that they fought, bled, and died for, and that we ­presently enjoy,” ani Marcos.

“Kailanman ay hindi tayo magpapa-supil at magpapa-api kahit na kanino man,” dagdag niya.

Bumisita si Marcos sa WesCom headquarters isang linggo matapos atakehin ng China Coast Guard ang puwersa ng Pilipinas na nagsasagawa ng rotation and reprovisioning (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa WPS noong Hunyo 17.

Pinarangalan din ng Pangulo ang 80 sundalo na nakaranas ng karahasan sa CCG. Tiniyak niya na nasa likod ng mga ito ang buong bansa para ipagdasal ang kanilang kaligtasan at tagumpay.

Iginawad ni Marcos ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan kay Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo, ang sundalo na naputulan ng daliri, at Order of Lapu-Lapu Rank of Kamagi sa 79 iba pang tauhan ng militar na nakibahagi sa misyon.

Hinimok ni Marcos ang mga sundalo na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin na ipagtanggol ang bayan.

Tiniyak niya na patuloy na ibibigay ng gobyerno ang kanilang pangangailangan at kapakanan, pati na ng kanilang pamilya.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with