^

Bansa

3 Pinoy patay sa sunog sa Kuwait!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy ang nasawi sa sunog na naganap sa residential building na nagsisilbing dormitoryo ng mga construction workers sa South ng Kuwait City.

“The three, who died from smoke inhalation, were part of a group of 11 OFWs, all working for the same Kuwaiti construction company housed in the building that caught fire,” ayon kay Department of Migrant Workers Chief Hans Cacdac nitong Huwebes.

Bukod sa tatlong nasawi ay dalawa pang Pinoy ang kritikal na nasa intensive care unit (ICU) ng ospital sa Kuwait.

“Two other OFWs remain in the hospital and are in critical condition, while the remaining six are all safe and unharmed,” dagdag pa niya.

Hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga Pinoy para sa privacy ng kani-kanilang pamilya.

Nabatid na naganap ang sunog alas-4:30 ng mada­ling araw ng Hunyo 12, sa gusali na matatagpuan sa Mangaf, isang coastal city south sa Kuwait City.

Posible umanong ma­rami sa kanila ang tulog pa at posibleng hindi na nagising o hindi nakalabas sa nasunog na gusali.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa mga pamilya ng mga apektadong pamilya ng OFWs, kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon at pamilya ng tatlong nasawi.

“We will provide all the necessary assistance and support to the OFWs and their families in this difficult time as directed by the President,” ani Cacdac.

Halos nasa 200 ang mga nakatira sa naturang gusali, ayon sa mga awtoridad.

KUWAIT CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with