Halos 88 milyong Pinoy nagparehistro sa national ID – PSA
MANILA, Philippines — Umaabot sa halos 88 milyong Pinoy ang nagsipag rehistro sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa Philippine Identification System (PhilSys) ID o national ID.
Dulot nito, sinabi ni PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta na malapit nang makopo ng gobyerno ang 92 milyong target na irehistro para sa National ID ngayong taon.
Anya, ang PhilSys ID ay maituturing na pinaka- matinding pagkukunan ng pagkakakilanlan ng isang tao.
Sinabi rin ni Sollesta na naipamahagi na ng PSA ang 51.5 milyong physical cards habang ang 3 milyon ay kasalukuyang naipamamahagi sa mamamayan.
Samantala, sinabi pa nito na naipalabas na ang 25 milyong ePhilIDs, ang digital version ng national ID na maaaring maiprint sa registration centers.
- Latest