^

Bansa

Pangulong Marcos sa PMA grads: Igiit karapatan ng Pinas sa teritoryo!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa PMA grads: Igiit karapatan ng Pinas sa teritoryo!
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA) "Bagong Sinag Class of 2024" na ginawa sa Fort Del Pilar, Baguio City kahapon. Si Cadet 1st Class Jeneth Elumba mula Surigao City ang ika-7 babae na naging PMA valedic- torian. Kasama rito ng Pangulo si Vice President Sara Duterte.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bagong Sinag Class 2024 ng Philippine Military Academy (PMA) na igiit ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at protektahan ang bahagi nito mula sa pananakop ng mga dayuhang bansa.

Sa pahayag ng Pa­ngulo sa commencement exercises ng class Bagong Sinag sa Baguio City, na ang tangkang paglihis sa atensyon ng mga Filipino at pagwasak sa kanilang pagbabantay ay hindi dapat mawala sa mga bagong opisyal ng militar mula sa bantang kinakaharap ng bansa.

Kabilang anya sa mga gawaing ito ay gawing ligtas ang mga Filipino sa kanilang tahanan at depensahan sa anumang mga banta at gawing vibrant at stable ang demokrasya.

“These are intruders who have been disrespecting our territorial integrity.  We will vigorously defend what is ours. But our conduct must always be guided by law and [by] our responsibility as a rules-abiding member of the community of nations,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng Commander-in-Chief sa may 238 kadete na depensahan nila ang mga nagbabantang maminsala sa mga tao at wasakin ang social at political trust.

Bilin pa ni Marcos sa mga kadete na ang pagsusundalo ngayon ay hindi lang nalilimitahan sa pagtatanggol sa teritoryo kundi para ma-improve ang buhay ng mga tao.

May kabuuang 278 kadete ang nagtapos sa PMA ngayong taon, 224 ang lalaki at 54 babae. Pito sa top 10 ay mga babae.

Si Cadet 1st class Jeneth Elumba ang valedictorian sa pitong babae na anak ng isang magsasaka mula sa Surigao City.

Kaugnay nito pinag-utos din ni Pangulong Marcos sa Department of National Defense (DND) at sa Armed Forces of the Phiippines (AFP) na i-review ang curriculum ng PMA.

Ito ay para maging handa sila sa bagong banta na disinformation at infiltration sa cyberspace.

PMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with